Other links!
Sila yung mga babaeng walang arte. Kayang makipagsabayan sa mga lalaki —makipagharutan, makipagtakbuhan, makipaglokohan at gawin yung mga bagay na mga lalaki lang din ang nakakagawa kasama sila. Sila yung mga babaeng karaniwang close sa mga lalaki o kabilang sa mga tropa ng mga lalaki.
Nakakatuwang nagagawa nila yan. Di kasi lahat ng babae ganyan kawild. Di lahat ng babae kayang makipagkulitan sa mga lalaki —handang madumihan, malagas ang make up, at maging amoy lalaki minsan. Di lahat kayang ibreak yung boundary between girls and boys para simpleng bonding at kasiyahan.
Pero nakakalungkot lang isipin na ang tingin sa kanila ng ibang tao ay hindi maganda. Malandi sa madaling salita. Gustong maging close sa mga lalaki para humanap ng syosyotain. Oportunista. At kung ano ano pa. Masyado silang nahuhusgahan.
Sila yung mga taong minded kaya nagagawa nila yan nang walang malisya. Sila yung mga taong open minded na nakakatanggap ng walang hanggang panghuhusga mula sa mga taong sabihin na nating, close minded.
SANDamakmak kasi yung kilig ko kapag andyan ka.
(via littleynah)
Kanina umulan, tapos tumila rin agad. Syempre, nabasa yung daan tapos may narealize ako. Yung pag-ulan parang pagdaan ng ilang tao sa buhay natin. May mga tao tayong makikilala/makakasama pero mawawala rin, yung tipong pinadaan lang sila sa buhay natin pero bawat isa sa kanila may iiwan na alaala, may bakas ng pagdaan nila parang yung ulan, pag tumila na maiiwan ang mga basang bubong at ang basang kalsada na hindi ganun kabilis na natutuyo parang mga alaala na hindi natin basta-basta makakalimutan kahit wala na yung mga tao sa likod nito.
Lahat tayo may gustong makuha o makamit, yung iba dito tungkol sa pagibig, gusto ng magkaroon ng karelasyon o yung taong magmamahal sa kanila ng lubusan. At alam ko marami dito hangang ngayon naghahanap parin at yung iba naman nakatagpo na ng taong magmamahal at magaalaga sa kanila pero may natitirang tao parin na lubos na naghihintay para sa tamang tao para sa kanila.
Alam mo sa paghahanap ng taong mamahalin, hindi nagwowork yung pagmamadali yung tipong lahat nalang niligawan mo, lahat nalang sinagot mo. May tanong ako, ikaw ba seryoso sa mga taong yan o ginawa mo lang yan kasi sobrang atat kang magkaroon ng karelasyon, nagdawalang isip ka bang gawin ang mga bagay na yan? Sapat ba ang pagmamahal mo kaya mo sya sinagot o niligawan?
Wag na wag tayong magmadali sa kahit anong aspeto ng buhay kasi lahat pwede namang daanin sa tamang paghihintay, alam mo walang magagawa ang pagmamadali kasi baka kapag ginawa mo yan eh nadapa kapa edi mas mahirap makahanap kasi masyado kang atat diba?.
Wag mong madaliin ang nakatadhana kasi para sa akin mas matagumpay parin yung mga taong tunay na naghihntay kasi ngayon nakuha nila yung gusto nila sobra sobra pa kesa sa mga taong nagmadali nakuha nga ang gusto ng panandalian pero nawala ang sayang pinaghahawakan kasi masyadong aporado kaya ayun lahat ng bagay nawala ng parang bula.
(via raaaaaves)
FRIENDSHIP.
Friends. Sila yung tinatrato mong kapamilya, kapatid, kaaaway, at kaagaw sa lahat ng bagay pero kahit kelan hindi mo magawang magalit sa kanila. Sila yung mga taong hindi mo alam bakit mo natitiis kasama kahit inis na inis ka na sa kanila, kahit nahihiya ka na sila kasama, o kahit sa tingin mo wala silang kwenta. You can’t just leave them. Sila yung mga taong alam mong hindi ka huhusgahan kahit ano pa man ang mangyari. Sila yung mga taong kasama mo sa lahat ng oras. Masaya. Malungkot. Kasama mo sila. Walang iwanan. Tunay na magkakaibigan.
Kunwari eto yung legs naming lima. =))))
(via eloisacglwn)
Bugaw Friends <3 Together Forever
Mahal ko talaga sila. =)) Eto kami, BUGAW! Bakit nga ba bugaw? Kasi mga bugaw kami! HAHAHA. pero dahil talaga kay Matthew kaya kami naging bugaw eh. Araw-araw kaming magkakasama pero pag picture-taking na malimit kaming makumpleto. Yan lang atang mga picture na yan ang kumpleto kami. Ewan ko nga ba kung bakit. :) Hindi rin kami madalas makipag-text sa isat-isa. Pero pagdating sa umaga, HALA! SIGE! CHIKA AGAD! Magkakasama kami lagi sa mga kalokohan namin. Mga siraulo nga kami eh. Sobra! AT SOBRANG INGAY NAMIN maliban kay Ray. :)) Silent worker yan eh. XD Magkakasama kami sa saya at lungkot. :)
Ang dami kong mami-miss na gawin kasama sila :( =))
- Kumain ng lunch na may kasamang kalokohan.
- Tapos yung pag-aagawan natin sa taba ng baboy <3
- Yung mapapagalitan kami sa canteen kasi kami na nga lang tao dun pero sobrang ingay pa rin namin.
- Mapapagalitan ulit kami, sa gazeebo naman. favorite talaga kami sermunan ni Placido eh.
- Yung pagtawag natin sa mga kung sino-sinong Munscian tapos sasabihin crush siya nung isa satin.HAHAHA
- Yung tambay moments natin, madalas samin. Di ko nga alam kung lugi ba ko dun o pabor sakin yun eh. =))
- Pagvi-videoke natin.
- Pagkain ng tukso, waka-balls, kwek-kwek, scramble at iba pa pag uwian na.
- Eto hindi pwedeng mawala, yung pagbengga! Tulungan kung tulungan basta walang sulutan. XD
- At ang malakas nating trip sa mga bagay-bagay sa paligid.
Marami pa yan, kaso sa sobrang dami, hindi ko na masabi. XD
Bugaw friends, sobrang salamat sa lahat ng moments na kasama ko kayo. Sobrang saya talaga pag magkakasama tayo. <3 Daig pa natin magkakapatid eh. Kainan, tawanan, hampasan, sigawan, tulakan, asaran, walangyaan, barahan, laglagan lahat na. Mamimiss ko yang mga ganyan natin, SOBRA! :( =))) Salamat ulit sa inyo. Kinumpleto niyo high scool life ko. Sobrang thankful ko talaga dahil nagkaroon ako ng mga kaibigan na katulad niyo. :) Sobra! =)))
Eto na, magka-college na tayo! Yung mga pangarap natin, sana maabot nating lahat. Magiging successful tayong lahat. Tiwala lang. Basta walang kalimutan ha? :) Mga future engineer at accountant tapos yung isa future Jessica Soho. HAHAHA. XD
Uyyy, loveyou! :* Wala lang, gusto ko lang masabi sa inyo kung gaano ako kasaya at ka-thankful na nagkaroon ng BUGAW FRIENDS. <3
Bugaw Friends <3
J: Crush mo pa rin si ********?
A: Hindi na noh.
**pero ba’t feeling ko may mali. Ba’t kasi naungkat pa eh. HAHAHA
- (via matabangutak)
(via matabangutak)
Sige na nga, magpapalit na ‘ko para sa’yo. =)))
(Source: littleynah)


